KUMUSTA!
Maligayang pag dating sa Hawaii Central Federal Credit Union
Naglilingkod sa lungsod ng Hawaii nang higit walong pung taon, kami ay pag aari ng mga miyembro at institusyong pinansyal na not-for-profit. Ang aming kita ay direktang bumabalik sa aming mga miyembro sa anyo ng mas mataas na savings rates, mas mababang mga rates ng pautang, at mas kaunting bayarin. Sa Hawaii Central, ang aming hangarin ay makatulong sa aming miyembro na makamit ang kanilang mga mithiin sa pananalapi at patuloy na maghanap ng mga paraan para mas mapaglingkuran kayo at ang ating komunidad.
Ipinag mamalaki naming magbigay ng tagapagsalita tungkol sa serbisyo sa pananalapi sa wikang tagalog.
Bisitahin ang aming tagasalin na Pilipino sa opisina o makipag-ugnayan sa amin dito at ikalulugod naming makatulong sa inyo!
Maging Miyembro
Ang pagiging miyembro sa isang credit union ay bukas sa mga taong may pagkakatulad o may iisang ugnayan. Para maging karapat-dapat na maging miyembro ng Hawaii Central, kailangan nyong manirahan, mag trabaho, sumamba o pumasok sa paaralan ng buong oras sa Oahu. Maitatatag ang pagiging miyembro sa pamamagitan ng pagbukas ng savings account na may $25 na deposito. Ito ay mag bibigay-daan para makuha ang buong hanay na mga produkto at serbisyo.
Savings Accounts
Mula sa mapagkumpitensyang mga rates hanggang sa kaunting bayarin, ang Hawaii Central ay nag aalok din ng mga produkto na tumutugon para sa inyong mga indibidwal na pangangailangan. Kami ay nandito para tulungan kayong matupad ang inyong mga layunin.
Checking Account
Gamit ang Checking Account, maari mong gamitin ang iyong pera ayon sa gusto mo, walang limitasyong sa mga transaksyon, walang kinakailangang minimum na balanse habang kumikita ng mga dibidendo.
Share Certificate Accounts
Sa halagang $500.00, maari mong iwan sa share certificate account ang iyong mga kinitang interest. Mayroong iba’t ibang haba ng termino na magagamit upang umangkop sa iyong mga pangangailangan sa pananalapi.
Individual Retirement Accounts (IRA)
Mag-ipon para sa pagreretiro at samantalahin ang mga benepisyo sa buwis na maiaalok ng IRA. Mamamangha ka sa kung gaano kabilis lumaki ang iyong account.
Protektado ang iyong pera hanggang sa halagang $750,000 ($250,000 mula sa National Credit Union Administration at karagdagang $500,000 mula sa Excess Share Insurance).
Debit & Credit Cards
VISA®
Credit Card
Ang aming VISA Platinum Cash Rewards Credit Card ay kumikita para sayo ng mga cash rewards kada taon! Bakit maghihintay ng maraming taon para makapagipon ng mga puntos kung awtomatiko namang makakuha ng gantimpala bawat taon galing sa mga ginastos na dolyar pabalik sa iyong bulsa.
VISA®
Debit Card
Ang aming VISA Debit Card ay nag bibigay sa mga miyembro ng kaginhawaan ng isang checkbook at ATM card. Pwede itong gamitin para sa pagbili sa mga mangangalakal na mayroong tatak ng VISA. Ang halaga ng pagbili ay ibabawas sa iyong Share Draft Checking Account.
Pag popondo ng inyong kinabukasan
Mayroon kaming ibat- ibang mga pautang upang matugunan ang iyong mga pangangailangan. Sa pamamagitan ng isang madaling proseso ng aplikasyon, matutulungan naming kayong matustusana ang inyong pangangailangan, mula sa pagbili ng iyong unang tahanan hanggang sa isang bagong kotse. Ang aming magiliw at matulungin na empleyado ay nandito para sagutin ang anumang mga katanungan na mayroon kayo at para siguraduhin ang isang maayos na proseso mula simula hangang sa matapos.
Personal na Pautang
Nag- aalok ang kompanya ng personal na pautang na may mapagkumpitensyang mga rates at mabilis at simpleng proseso ng aplikasyon. Mag apply online o personal para sa personal na pautang kung kailangan mo ng dagdag na pera para sa anumang pangangailangan.
Lines of Credit
Ang aming Lines of Credit ay nag bibigay-daan para magkaroon ng access sa mga pondo sa tuwing kailangan mo ito. Maari mo itong iugnay sa iyong Share Draft Checking Account.
Student Loans
Pinopondohan ba ang iyong apat the taon na edukasyon sa pampubliko or pribadong eskwelahan? Ang aming Student Loan ay makakatulong. Kailangan mo lang mag apply ng isang beses, at sa taunang pag-aapruba o beripikasyon, ang iyong linya ng kredito ay may bisa ng hanggang apat na taon.
Auto Loans
Ang aming Auto loans ay makakatulong upang mapadali ang pagbili ng iyong susunod na kotse. Mayroong iba’t ibang haba ng termino na mapagpipilian para sa bago o nagamit ng sasakyan. Dahil sa aming mapagkumpitensyang rates mapapabilis mong mabayaran ang iyong auto loans.
Home Loans
Sa mababang mortgage rates, ngayon na siguro ang tamang panahon para malaman mo kung pwede mong ire-finance ang bahay mo o di kaya ay maging may-ari ng bagong bahay. Ang aming Mortgage Loan ay may mapagkumpitensyang rates, at sa tulong ng mga propesyonal at mahuhusay naming empleyado, matutulungan ka nilang makamit ang iyong layunin.
Get Started with Online Banking
Ang Hawaii Central ay nag aalok ng serbisyong “It’s Me 247” online banking. Maginhawa mong ma a-access ang iyong mga accounts upang alamin ang iyong mga balanse, mag lipat ng mga pera sa iba’t ibang account, magbayad ng utang ng bente kwatro oras, anumang araw at taon.